Opportunity in Internet Cafe Business / Magbukas ng Internet Cafe as Business Tambayan
/ Hang-up Bukod sa may paglilibangan kayo, may pagkaka-kitaan pa. Mayroon pang lugar na puntahan ang inyong mga parientes, kaibigan o mg kababayan. Dahil sa bukas kayo mula alas 10 nang umaga hanggang halos 11 nang gabi araw-araw. Pero kong Biernes, Sabado at Lingo kailangan hanggang alas dose nang gabi. Sa experiensa namin, ito ang mga oras na dapat bukas ang Internet Cafe. Walang fiesta opicial, puwede kayong bukas buong taon. tulad namin, dito na kami nag-ba-bagong taon o pasko o thanksgiving day. Dahil wala halos holy week ang mga tao dito kailangan din na bukas, puwede rin ninyong ipatao sa iba habang kayo ay nag-oobserve nang mahal na araw. Mas marami pa rin talaga ang hindi catolico dito sa america. Kitaan
Dito / Internet Cafe Profitability Pinaka-magandang mag may-ari nito ay yong bang mga retired na, o yong hindi nag-tratrabo sa oficina o nahihinaan sa kita habang nag-tratabayo para sa ibang tao. Yong mga taong dis-able na hindi puwedeng mag trabayo nang normal o yong hindi puwedeng magtrabaho sa iba dahil sa kapansanan. Pero, puwedeng tumao at mag-bantay sa shop. Ito'y bagay sa ating matatanda o may kapansanan o walang balak mag trabaho sa iba. Ang mga matatanda ay malilibang dito bukod sa matututo pa silang mag computer. Sa kapuwa natin kikita kayo, pero hindi ito ang mayor na kita dito kundi galing sa maraming ibang tao na kalimitang gumagamit nang computer. Oo, dito sa america halos ay may computer ang mga tao. Pero, marami pa rin ang walang computer of walang internet connection sa bahay. Ang ibang computer ay kailangang malakas at mabilis at ito'y hindi ordinary na nasa bahay, kaya kailangan nila magpunta sa Internet Cafe. Tulad nang mga bata, ang games nila kailangang game computer at napakamahal nito, bukod sa ang mga bata ay gustong maglaro nang sila-sila o magkakasamang naglalaro. Dito lang sa Internet Cafe nila ito magagawa, dahil sa bahay ilang lang at hindi game computer lahat. Isa pa ang connection ay kailangan mabilis at kayang sustinehen ang bawat computer na naglalaro. Maraming
pagkakakitaan Dito / other related product lines &/or services Branch
Out / Mag-parami Start
and Sell Idea
about the business (Internet Cafe) Running
the business (Internet Cafe) Marami sa ating customer or parokyano a halos walang alam o kakaunti ang nalalaman sa pag-gamit nang computer. Kaya, madalas tutulongan natin sila. Tayong may-ari, kadalasan wala tayong alam kaya hindi natin ito sinusubukang negosyo. Pero, sa umpisa lang, kalaunan matutuhan din natin. Dahil sa araw-araw kaharap natin sa ating internet cafe ay napakaraming computer kaya napipilitan tayong alamin ito sa ating kusa o sa tulong ang ibang kapamilya o kapuso. Pero, kung sa palagay ninyo ay mahihirapan kayo, subukan munang pumasok sa adult school para matututo nang computer bago pasokin ito o kung walang makakatulong sa inyo na matututo nang computer. Support
from us - CyberXspace Start-Up
of Internet Cafe Support HOTspot Computers,
Supplies & Maintenance Upside
and Downside of Internet Cafe Kaya and downside nang business na ito ay pang pamilya. At and upside nag negosyong ito ay kumikita at maganda ang kita para sa pamilya. at kung malaki ang pamilya o maraming makakatulong sa ating, yan puwede kang mag branch out o magtayo nang ilan. Secret
of the Business (Internet Cafe) Sabi nila may lima ka o sampung computer ay kikita ka na at matatawag ka nang negosyante dahil may internet cafe ka na. Lahat nang ito'y hindi makatutuhanan, ang isang industry ay negosyo na may tamang kaalaman, pamamalakad at tamang processo. At dahil dito, ito ay may mga sinusundan alintuntunin at pamantayan para ito maging isang industria. Halintulad sa Pinas, ang internet cafe ay nagiging parang sari-sari store mania. Kahit sino, kahit hindi kanto, kahit sa ilalim nang bahay, kahit saan basta may pupuwestohan gagawin na lang internet cafe. At dahil nagiging palatak ang negosyo na ito, wala tuloy itong business ethic na sinusundan, tulad nang precio-han, dikit-dikit, tabi-tabi, tuloy hindi sila makapagbigay nang tamang servicio at tamang ambient sa loob nang kani-kanilang internet cafe. Basta may computer, may mesa, may silya okey na. Ito ay nang-yayari sa bawat sulok nang pilipinas. Opo, kikita sila tulad ng pinag-usapan natin sa simula. Pero ang suggestion ko ay ang negosyo na ito ay para sa matanda na retired o may kapansanan o mga tao na ayaw magtrabaho sa iba o hirap makakita nang trabaho. Ngunit ito ay negosyo na may puhunan, panahon gugulin at servicio na inilalaan para ito tumakbo at kumita nang sapat at hindi kung magkano lang. Sa pinas na lang, kailangan malaman natin kung magkano and internet connection o DSL, ano and speed sa download at upload at ilang computer lang ang talagang tatakbo sa connection na ito. Kailangan naman kasiyasiya ang paggamit nang internet, pero dahil mabagal ang connection at pinaghahatian pa nang ilang computer nakaka-dismaya. Naroon ako at nakita at nasubukan ang mga internet connection sa Pinas, talagang mabagal pa rin. Sa dahilang yong mabilis ay napakamahal ang buwanang singil. Ang internet connection ay parang daloy nang tubig sa gripo na mahina ang pressure at bukod sa marami ang gripong nakakabit at may sabay-sabay na sumasahod, mai-intidahan natin kung gaano katagal bago mapuno ang isang balde. Ganyan din ang internet connection, ang laki at bilis nito ay pinaghahatian nang nabukas na computer. Dito sa America, and DSL connection ay para lang sa bahay-bahay at hindi puwedeng gamitin sa internet cafe. Hindi sapat ang capacity nito para magpatakbo nang lima hanggang sampung computer. At kailangan sa internet cafe ay yong connection na pareho ang speed nang download at upload. Pero, sa DSL mas mataas and download sa dahilang marami sa atin ang madalas mag-download, ngunit and upload nang DSL ay napakabagal. Halos 10% o mas mababa pa dito ang bilis compara sa download. Marami pang classe nang DSL dito sa America, may mabagal at may mabilis, depende sa gusto mong bayaran. Ito ay tulad din nang Pinas. Kaya kung ito ay binabasa nang mga taga Pinas. Hinay-hinay lang, wag padadala sa sabi-sabi na ito ay maganda ang kitaan. Dahil kung padadala sa marami dyan, para ka lang nagnegosyo ng sari-sari store na maliit o francised na nasa kariton na itinutulak-tulak sa kalsada para maglako nang paninda o chicheria. Gaya nang sabi sa unang bahagi nang articulong ito ang ating puntirya ay para matawag itong small business na mas magandang patakbohin nang "mom and pop". At para sa kanila, tama lang ang kita, ito ay kung mayroon kang at least 50 computer o higit pa. Bababa dito, hindi na natin masasabing okey na negosyo. At kung may ilang puwesto ka sa ibang-ibang lugar, ito ay matatawag na nating small business o nasa categoria na tayo na isa tayo sa internet cafe industry. Statistico
tungkol sa Small Business in America Walang sinasabi sa tala na ito na ang Pilipino ay kasali sa mga nag may mayari nang small business. Pero sa tutuo lang marami sa atin ang na sa negosyo, tulad nang restaurant, balik bayan box, money remitance, sea food store at iba pa. Pero dahil sa ang Pinoy establishment ay para sa pinoy din halos ang parokyano at hindi para sa general public, kaya hindi siguro ito isinali sa tala. Bukod sa hindi naman tayo napakarami. Karamihan sa mga nationalities na nabangit sa itass ay nag may mayari nang mga negosyo na nagtitinda para sa karamihan ng residente sa communidad at hindi tulad nang pinoy business na para kalimitan para sa pinoy din. Tulad nang restaurant, ang mga luto dito ay hindi basta nakakain nang kahit sino dito. Sa Sea Food Supermarket, ang iba ay ayaw ng pumasok sa mga susunod, dahil hindi nila gusto ang amoy sa loob nang tindahan dahil sa mga pini-pritong nating isda. May ibang negosyo rin dyan tulad nang video store, bakeries, marami pa pero dahil ang ang prokyano ay kalimitang mga pinoy din. Gaya nang sabi ko bakit hindi tayo mag negosyo nang para sa pangkalahatan at hindi lang para sa ating mga kababayan lang. At kung ipaaalala niyo sa akin bakit ang medical business tulad nang care homes at tulad nang ito ay hindi nabangit na pinoy business. Dahil marami sa atin ang may isa, o may dalawa, o higit pa, ngunit dahil ito'y ibang kategoria na masasabi nating nasa medical field na ito.
This
is not a Internet Cafe Total Franchise, but part franchise and part consulting Hindi kayo susunod sa pangalan nang mother company, mayroon kayong karapatan mag simula nang inyong sariling pangalan nang business. Hindi namin kayo hihilinging na gamitin ang ating pangalan. May tsancha kayong mamili nang inyong sariling pangalan. Mayroon lang kaming pakiusap, gagamitin nating ang maliit na logo sa anoman printed paper of signs na gagawin ninyo - maliit lang na dagdag na sinsabi nang ganito - "Powered by: CyberXspace". Ito yong official logo nang ating original na company. Tulad ito nang halimbawa ng Powered by Yahoo. Ang website nito ang magbibigay nang information nang bawat location ang ating internet cafe. Now
Start your Internet Cafe Sa ngayon ang mga Koreano ang may hawak nang korona sa negosyong ito; bakit hindi natin kunin ito, dahil kaya natin ito. Tayong pinoy ay mas may tiaga, mas may sinasabi tayo pagdating sa karisma sa prakyano, mas may "it" tayo. Mechanics
& Technicalities of Internet Cafe Business
Contact Us or send your message ! (Fill the form below and click send)
|
||||||||||||||||||||||||||